Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:106

وَمَا يُؤْمِنُ أَكْثَرُهُمْ بِاللَّهِ إِلَّا وَهُمْ مُشْرِكُونَ

Hindi sumasampalataya ang higit na marami sa kanila kay Allāh malibang habang sila ay mga tagapagtambal.

Tafsir

Hindi sumasampalataya ang higit na marami sa mga tao kay Allāh na Siya ay ang Tagalikha, ang Palatustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagapagbigay-kamatayan malibang habang sila ay sumasamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito at mga diyus-diyusan, at nag-aangkin na mayroon Siyang anak – kaluwalhatian sa Kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah