Surah 110 · Juz 30
An-Nasr · 110:3
فَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ وَاسْتَغْفِرْهُ ۚ إِنَّهُ كَانَ تَوَّابًا
ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad.
Tafsir
ay alamin mo na iyon ay isang palatandaan sa pagkalapit ng pagwawakas ng misyon na ipinadala ka dahil doon kaya magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bilang pasasalamat sa Kanya sa biyaya ng pag-aadya at pagsakop [sa Makkah], at humiling ka mula sa Kanya ng kapatawaran. Tunay na Siya ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob, na tumatanggap ng pagbabalik-loob ng mga lingkod Niya at nagpapatawad sa kanila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah