Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:89

قَالَ قَدْ أُجِيبَتْ دَعْوَتُكُمَا فَاسْتَقِيمَا وَلَا تَتَّبِعَانِّ سَبِيلَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ

Nagsabi Siya: "Sinagot na ang panalangin ninyong dalawa kaya mamalagi kayong dalawa sa matuwid at huwag nga kayong dalawa sumunod sa landas ng mga hindi nakaaalam."

Tafsir

Nagsabi si Allāh: "Sumagot na Ako sa panalangin ninyong dalawa, O Moises at Aaron, laban kay Paraon at mga maharlika ng mga tao nito, kaya magpakatatag kayong dalawa sa relihiyon ninyong dalawa at huwag kayong dalawa lumihis palayo rito patungo sa pagsunod sa landas ng mga mangmang na hindi nakaaalam sa daan ng katotohanan."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah