Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:73
فَكَذَّبُوهُ فَنَجَّيْنَاهُ وَمَنْ مَعَهُ فِي الْفُلْكِ وَجَعَلْنَاهُمْ خَلَائِفَ وَأَغْرَقْنَا الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُنْذَرِينَ
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya iniligtas Namin siya at ang sinumang kasama niya sa daong. Ginawa Namin sila bilang mga kahalili at nilunod Namin ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya tingnan mo kung naging papaano ang kinahinatnan ng mga binalaan.
Tafsir
Ngunit nagpasinungaling sa kanya ang mga tao niya at hindi sila naniwala sa kanya kaya nagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya sa arko. Gumawa Kami sa kanila bilang kahalili para sa nauna sa kanila. Nagpahamak Kami sa mga nagpasinungaling sa inihatid niya na mga tanda at mga katwiran sa pamamagitan ng gunaw. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang wakas ng lagay ng mga taong binalaan ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit hindi sumampalataya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah