Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:70

مَتَاعٌ فِي الدُّنْيَا ثُمَّ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ ثُمَّ نُذِيقُهُمُ الْعَذَابَ الشَّدِيدَ بِمَا كَانُوا يَكْفُرُونَ

Isang pagtatamasa sa mundo pagkatapos ay tungo sa amin ang balikan nila. Pagkatapos ay ipalalasap Namin sa kanila ang pagdurusang matindi dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya.

Tafsir

Kaya huwag silang malinlang sa tinatamasa nila na mga sarap sa Mundo at kaginhawahan dito sapagkat ito ay natatamasang kaunti na maglalaho. Pagkatapos tungo kay Allāh ang pagbabalik nila sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos magpapalasap si Allāh sa kanila ng pagdurusang malakas dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pagpapasinungaling nila sa Sugo Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah