Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:67

هُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَسْمَعُونَ

Siya ay ang gumawa para sa inyo ng gabi upang mamahinga kayo rito at ng maghapon bilang isang nagbibigay-paningin. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig.

Tafsir

Siya lamang ay ang gumawa para sa inyo, O mga tao, ng gabi upang mamahinga kayo rito sa pagkilos at pagod at gumawa ng maghapon bilang nagbibigay-tanglaw upang magpunyagi kayo rito para sa nagdudulot sa inyo ng pakinabang sa kabuhayan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga patunay na maliwanag para sa mga taong dumidinig nang may pagdinig ng pagsasaalang-alang at pagtanggap.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah