Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:59
قُلْ أَرَأَيْتُمْ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ لَكُمْ مِنْ رِزْقٍ فَجَعَلْتُمْ مِنْهُ حَرَامًا وَحَلَالًا قُلْ آللَّهُ أَذِنَ لَكُمْ ۖ أَمْ عَلَى اللَّهِ تَفْتَرُونَ
Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa ibinaba ni Allāh para sa inyo na panustos, at gumawa kayo sa ilan dito bilang ipinagbabawal at ipinahihintulot?" Sabihin mo: "Si Allāh ay nagpahintulot ba sa inyo, o laban kay Allāh ay gumagawa-gawa kayo?"
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa ipinagmagandang-loob ni Allāh sa inyo na pagpapababa ng panustos, saka may ginawa kayo rito dahil sa mga pithaya ninyo kaya nagpahintulot kayo sa ilan dito at nagbawal kayo sa ilan dito." Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh kaya ay pumayag sa inyo sa pagpapahintulot ng ipinahintulot ninyo at pagbabawal sa ipinagbawal ninyo, o na kayo ay lumilikha-likha laban sa Kanya ng kasinungalingan?"
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah