Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:54

وَلَوْ أَنَّ لِكُلِّ نَفْسٍ ظَلَمَتْ مَا فِي الْأَرْضِ لَافْتَدَتْ بِهِ ۗ وَأَسَرُّوا النَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُا الْعَذَابَ ۖ وَقُضِيَ بَيْنَهُمْ بِالْقِسْطِ ۚ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ

Kung sakaling taglay ng bawat kaluluwa na lumabag sa katarungan ang anumang nasa lupa ay talagang ipantutubos niya ito. Ililihim nila ang pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Maghuhusga sa pagitan nila ayon sa pagkamakatarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan.

Tafsir

Kung sakaling taglay ng bawat tagapagtambal kay Allāh ang lahat ng anumang nasa lupa na mga yamang mamahalin ay talaga sanang gagawin niya ito bilang panumbas sa pagkalas niya sa parusa ni Allāh. Ito ay kung sakaling bibigyan siya ng pagkakataon na ipantubos ito. Ikukubli ng mga tagapagtambal ang pagsisisi sa kawalang-pananampalataya nila kapag nakasaksi sila sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Maghuhusga si Allāh sa pagitan nila ayon sa katarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan. Gagantihan lamang sila ayon sa mga gawa nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah