Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:43
وَمِنْهُمْ مَنْ يَنْظُرُ إِلَيْكَ ۚ أَفَأَنْتَ تَهْدِي الْعُمْيَ وَلَوْ كَانُوا لَا يُبْصِرُونَ
Kabilang sa kanila ang tumitingin sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapatnubay sa mga bulag kahit pa man sila ay hindi nakakikita?
Tafsir
Kabilang sa mga tagapagtambal ang tumitingin sa iyo, O Sugo, sa pamamagitan ng paningin niyang pisikal hindi ng pagkatalos niya. Ngunit ikaw ba ay nakakakaya ng pagbibigay ng paningin sa mga inalisan ng mga paningin nila? Tunay na ikaw ay hindi nakakakaya niyon. Sa gayon hindi ka nakakakaya ng pagpapatnubay sa nawawala ang pagkatalos.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah