Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:30

هُنَالِكَ تَبْلُو كُلُّ نَفْسٍ مَا أَسْلَفَتْ ۚ وَرُدُّوا إِلَى اللَّهِ مَوْلَاهُمُ الْحَقِّ ۖ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ

Doon ay susulitin ng bawat tao ang ipinauna niya. Ibabalik sila kay Allāh Tagatangkilik nilang totoo. Mawawala sa kanila ang anumang ginawa-gawa nila noon.

Tafsir

Sa kalagayang mabigat na iyon ay susubukin ang bawat tao sa nagdaan na gawain sa buhay niya sa Mundo. Panunumbalikin ang mga tagapagtambal sa Panginoon nilang totoo na si Allāh na magsasagawa sa pagtutuos sa kanila. Maglalaho sa kanila ang anumang ginawa-gawa nila noon na pamamagitan ng mga anito nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah