Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:28
وَيَوْمَ نَحْشُرُهُمْ جَمِيعًا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشْرَكُوا مَكَانَكُمْ أَنْتُمْ وَشُرَكَاؤُكُمْ ۚ فَزَيَّلْنَا بَيْنَهُمْ ۖ وَقَالَ شُرَكَاؤُهُمْ مَا كُنْتُمْ إِيَّانَا تَعْبُدُونَ
Sa araw na titipunin sila sa kalahatan. Pagkatapos ay magsasabi Kami sa mga nagtambal: "[Manatili] sa lugar ninyo, kayo at ang mga itinambal ninyo," at mag-uuri-uri Kami sa pagitan nila. Magsasabi ang mga itinambal nila: "Hindi kayo noon sa amin sumasamba."
Tafsir
Banggitin mo, O Sugo, sa Araw ng Pagbangon kapag kakalap si Allāh sa lahat ng mga nilikha, pagkatapos magsasabi Siya sa mga nagtambal sa Kanya sa Mundo: "Manitili kayo, O mga tagapagtambal, sa lugar ninyo, kayo at ang mga sinasamba ninyo, na dati ninyong sinasamba bukod pa kay Allāh." Magbubukod Siya sa pagitan ng mga sinasamba at mga sumasamba. Magpapawalang-kaugnayan ang mga sinasamba sa mga sumasamba habang mga nagsasabi: "Hindi kayo dati sumasamba sa amin sa Mundo,
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah