Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:17

فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْمُجْرِمُونَ

Kaya sino pa ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga salarin.

Tafsir

Kaya walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kaya papaanong ukol sa akin na magpalit ako ng Qur'ān bilang isang paggawa-gawa laban sa Kanya? Ang punto ay na ang mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng paggawa-gawa laban sa Kanya ay hindi nagtatamo ng hinihiling nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah