Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:15
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ ۙ قَالَ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا ائْتِ بِقُرْآنٍ غَيْرِ هَٰذَا أَوْ بَدِّلْهُ ۚ قُلْ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أُبَدِّلَهُ مِنْ تِلْقَاءِ نَفْسِي ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ ۖ إِنِّي أَخَافُ إِنْ عَصَيْتُ رَبِّي عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ
Kapag binibigkas sa kanila ang mga talata Namin bilang mga malilinaw na patunay ay nagsasabi ang mga hindi naghahangad sa pakikipagtagpo sa Amin: "Magdala ka ng isang Qur’ān na iba rito o palitan mo ito." Sabihin mo: "Hindi mangyayaring ukol sa akin na magpalit ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko. Wala akong sinusunod kundi ang isinisiwalat sa akin. Tunay na ako ay nangangamba, kung sinuway ko ang Panginoon, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan."
Tafsir
Kapag binibigkas sa kanila ang mga talatang pang-Qur'ān na maliwanag na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ay nagsasabi ang mga tagakaila ng pagkabuhay na muli na hindi nag-aasam ng isang gantimpala at hindi nangangamba sa isang parusa: "Magdala ka, O Muḥammad, ng isang Qur’ān na iba sa Qur'ān na ito, na naglalaman ng panlalait sa pagsamba sa mga anito o ng iba pa sa mga ito, sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa isang bahagi nito o kalahatan nito, na umaayon sa mga pithaya namin." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi natutumpak na magbago ako mismo nito. Hindi ako nakakakaya – higit lalo pa – ng paghahatid ng iba pa rito, bagkus si Allāh lamang ay ang magpapalit nito ng loloobin Niya, sapagkat ako ay hindi sumusunod maliban sa isinisiwalat ni Allāh sa akin. Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako kay Allāh dahil sa pagtugon ko sa inyo sa hiniling ninyo, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, ang Araw ng Pagbangon."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah