Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:13
وَلَقَدْ أَهْلَكْنَا الْقُرُونَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَمَّا ظَلَمُوا ۙ وَجَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ وَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْقَوْمَ الْمُجْرِمِينَ
Talaga ngang nagpahamak Kami ng mga salinlahi bago pa kayo noong lumabag sila sa katarungan samantalang dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila dala ang mga patunay na malinaw ngunit hindi nangyaring sila ay ukol sumampalataya. Gayon Namin ginagantihan ang mga taong salarin.
Tafsir
Talaga ngang nagpahamak si Allāh sa mga kalipunan bago pa ninyo, O mga tagapagtambal, dahil sa pagpapasinungaling nila sa mga sugo ni Allāh at pagkagawa nila ng mga pagsuway samantalang dumating na sa kanila ang mga sugo sa kanila na isinugo Niya sa kanila kalakip ng mga patotoong maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ng mga ito sa inihatid ng mga ito mula sa ganang Panginoon ng mga ito. Ngunit hindi naging matuwid sa kanila na sumampalataya sila dahil sa kawalan ng paghahanda nila sa pananampalataya kaya nagtatatwa sa kanila si Allāh at hindi Siya nagtuon sa kanila doon. Kung paanong gumanti Kami sa mga kalipunang tagalabag sa katarungang iyon, gaganti Kami sa mga tulad nila sa bawat panahon at pook.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah