Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:106
وَلَا تَدْعُ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُكَ وَلَا يَضُرُّكَ ۖ فَإِنْ فَعَلْتَ فَإِنَّكَ إِذًا مِنَ الظَّالِمِينَ
Huwag kang dumalangin sa iba pa kay Allāh na hindi nakapagpapakinabang sa iyo ni nakapipinsala sa iyo sapagkat kung ginawa mo, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
Tafsir
Huwag kang dumalangin, O Sugo, sa bukod pa kay Allāh kabilang sa mga diyus-diyusan, mga anito, at iba pa sa mga ito na hindi nakapagdudulot ng pakinabang para magpakinabang sa iyo ni ng pinsala para maminsala sa iyo sapagkat kung sumamba ka sa mga ito, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga tagalabag sa karapatan ni Allāh at karapatan ng mga sarili nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah