Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:104

قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي شَكٍّ مِنْ دِينِي فَلَا أَعْبُدُ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِنْ أَعْبُدُ اللَّهَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ

Sabihin mo: "O mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa sa relihiyon ko, hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, subalit sumasamba ako kay Allāh na bumabawi sa inyo. Inutusan ako na ako ay maging una sa mga mananampalataya."

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa sa Relihiyon ko na nag-aanyaya ako tungo rito, ang Relihiyon ng Tawḥīd, ako naman ay nasa isang katiyakan sa katiwalian ng relihiyon ninyo kaya hindi ako sumusunod diyan kaya hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, subalit ako ay sumasamba kay Allāh na nagbibigay-kamatayan sa inyo. Nag-utos Siya sa akin na ako ay maging una sa mga mananampalataya, na mga nagpapakawagas sa Kanya sa Relihiyon."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah