Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:1

الر ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْحَكِيمِ

Alif. Lām. Rā’. Ang mga ito ang mga tanda ng Aklat na marunong.

Tafsir

Alif. Lām. Rā’. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang binibigkas na ito sa kabanatang ito ay mga talata ng Qur'ān na tahasan, na hinusayan, na naglalaman ng karunungan at mga patakaran.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah