Al-Muddaththir

سورة المدثر

Surah 74 · Makki · 56 mga talata

74:1Juz 29 · p. 575

يَا أَيُّهَا الْمُدَّثِّرُ1

O nakatakip,
74:2Juz 29 · p. 575

قُمْ فَأَنْذِرْ2

bumangon ka at magbabala ka!
74:3Juz 29 · p. 575

وَرَبَّكَ فَكَبِّرْ3

At ang Panginoon mo ay dakilain mo.
74:4Juz 29 · p. 575

وَثِيَابَكَ فَطَهِّرْ4

At ang mga kasuutan mo ay dalisayin mo.
74:5Juz 29 · p. 575

وَالرُّجْزَ فَاهْجُرْ5

At ang kasalaulaan ay layuan mo.
74:6Juz 29 · p. 575

وَلَا تَمْنُنْ تَسْتَكْثِرُ6

At huwag kang maghandog habang humiling ng marami.
74:7Juz 29 · p. 575

وَلِرَبِّكَ فَاصْبِرْ7

At alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.
74:8Juz 29 · p. 575

فَإِذَا نُقِرَ فِي النَّاقُورِ8

Kaya kapag umihip sa trumpeta,
74:9Juz 29 · p. 575

فَذَٰلِكَ يَوْمَئِذٍ يَوْمٌ عَسِيرٌ9

iyon, sa araw na iyon, ay isang araw na mahirap.
74:10Juz 29 · p. 575

عَلَى الْكَافِرِينَ غَيْرُ يَسِيرٍ10

Sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi madali.
74:11Juz 29 · p. 575

ذَرْنِي وَمَنْ خَلَقْتُ وَحِيدًا11

Hayaan mo Ako at ang nilikha Ko nang mag-isa.
74:12Juz 29 · p. 575

وَجَعَلْتُ لَهُ مَالًا مَمْدُودًا12

Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang pinalawak
74:13Juz 29 · p. 575

وَبَنِينَ شُهُودًا13

at mga anak na kapiling.
74:14Juz 29 · p. 575

وَمَهَّدْتُ لَهُ تَمْهِيدًا14

At nagpaalwan Ako sa kanya sa isang pagpapaalwan.
74:15Juz 29 · p. 575

ثُمَّ يَطْمَعُ أَنْ أَزِيدَ15

Pagkatapos ay naghahangad siya na magdagdag Ako.
74:16Juz 29 · p. 575

كَلَّا ۖ إِنَّهُ كَانَ لِآيَاتِنَا عَنِيدًا16

Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.
74:17Juz 29 · p. 575

سَأُرْهِقُهُ صَعُودًا17

Magpapabigat Ako sa kanya ng isang pahirap.
74:18Juz 29 · p. 575

إِنَّهُ فَكَّرَ وَقَدَّرَ18

Tunay na siya ay nag-isip at nagtakda.
74:19Juz 29 · p. 576

فَقُتِلَ كَيْفَ قَدَّرَ19

Kaya pinanaigan siya kung papaano siyang nagtakda!
74:20Juz 29 · p. 576

ثُمَّ قُتِلَ كَيْفَ قَدَّرَ20

Pagkatapos ay pinanaigan siya kung papaano siyang naghanda!
74:21Juz 29 · p. 576

ثُمَّ نَظَرَ21

Pagkatapos ay nagmasid siya.
74:22Juz 29 · p. 576

ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ22

Pagkatapos ay nagkunut-noo siya at sumimangot siya.
74:23Juz 29 · p. 576

ثُمَّ أَدْبَرَ وَاسْتَكْبَرَ23

Pagkatapos ay tumalikod siya at nagmalaki siya.
74:24Juz 29 · p. 576

فَقَالَ إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ يُؤْثَرُ24

Kaya nagsabi siya: "Walang iba ito ay kundi isang panggagaway na ipinamamana-mana.
74:25Juz 29 · p. 576

إِنْ هَٰذَا إِلَّا قَوْلُ الْبَشَرِ25

Walang iba ito ay kundi sabi ng tao."
74:26Juz 29 · p. 576

سَأُصْلِيهِ سَقَرَ26

Magpapasok Ako sa kanya sa Saqar.
74:27Juz 29 · p. 576

وَمَا أَدْرَاكَ مَا سَقَرُ27

At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Saqar?
74:28Juz 29 · p. 576

لَا تُبْقِي وَلَا تَذَرُ28

Hindi ito nagtitira at hindi ito nag-iiwan.
74:29Juz 29 · p. 576

لَوَّاحَةٌ لِلْبَشَرِ29

Isang tagapagtupok ng mga balat,
74:30Juz 29 · p. 576

عَلَيْهَا تِسْعَةَ عَشَرَ30

sa ibabaw nito ay may labingsiyam na anghel.
74:31Juz 29 · p. 576

وَمَا جَعَلْنَا أَصْحَابَ النَّارِ إِلَّا مَلَائِكَةً ۙ وَمَا جَعَلْنَا عِدَّتَهُمْ إِلَّا فِتْنَةً لِلَّذِينَ كَفَرُوا لِيَسْتَيْقِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ وَيَزْدَادَ الَّذِينَ آمَنُوا إِيمَانًا ۙ وَلَا يَرْتَابَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ وَالْمُؤْمِنُونَ ۙ وَلِيَقُولَ الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ وَالْكَافِرُونَ مَاذَا أَرَادَ اللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَا يَعْلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَ ۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكْرَىٰ لِلْبَشَرِ31

At hindi Kami naglagay ng mga tanod ng Apoy maliban pa sa mga anghel. Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya, upang makatiyak ang mga binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: "Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?" Gayon nagpapaligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao.
74:32Juz 29 · p. 576

كَلَّا وَالْقَمَرِ32

Aba’y hindi! Sumpa man sa buwan,
74:33Juz 29 · p. 576

وَاللَّيْلِ إِذْ أَدْبَرَ33

sumpa man sa gabi kapag tumalikod ito,
74:34Juz 29 · p. 576

وَالصُّبْحِ إِذَا أَسْفَرَ34

sumpa man sa madaling-araw kapag nagliwanag ito;
74:35Juz 29 · p. 576

إِنَّهَا لَإِحْدَى الْكُبَرِ35

tunay na [ang Apoy na] ito ay isa sa napakalalaki
74:36Juz 29 · p. 576

نَذِيرًا لِلْبَشَرِ36

bilang tagapagbabala para sa mga tao,
74:37Juz 29 · p. 576

لِمَنْ شَاءَ مِنْكُمْ أَنْ يَتَقَدَّمَ أَوْ يَتَأَخَّرَ37

para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na magpakauna o magpakahuli.
74:38Juz 29 · p. 576

كُلُّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ رَهِينَةٌ38

Bawat kaluluwa sa nakamit nito ay nakasangla,
74:39Juz 29 · p. 576

إِلَّا أَصْحَابَ الْيَمِينِ39

maliban sa mga kasamahan ng kanan,
74:40Juz 29 · p. 576

فِي جَنَّاتٍ يَتَسَاءَلُونَ40

na sa mga Hardin ay magtatanungan sila
74:41Juz 29 · p. 576

عَنِ الْمُجْرِمِينَ41

tungkol sa mga salarin:
74:42Juz 29 · p. 576

مَا سَلَكَكُمْ فِي سَقَرَ42

"Ano ang nagpasok sa inyo sa Saqar?"
74:43Juz 29 · p. 576

قَالُوا لَمْ نَكُ مِنَ الْمُصَلِّينَ43

Magsasabi ang mga ito: "Hindi kami noon kabilang sa mga nagdarasal,
74:44Juz 29 · p. 576

وَلَمْ نَكُ نُطْعِمُ الْمِسْكِينَ44

at hindi kami noon nagpapakain sa dukha,
74:45Juz 29 · p. 576

وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ الْخَائِضِينَ45

kami noon ay sumusuong [sa kabulaanan] kasama sa mga sumusuong [sa kabulaanan],
74:46Juz 29 · p. 576

وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوْمِ الدِّينِ46

at kami noon ay nagpapabula sa Araw ng Paggantimpala,
74:47Juz 29 · p. 576

حَتَّىٰ أَتَانَا الْيَقِينُ47

hanggang sa dumating sa amin ang katiyakan [ng kamatayan]."
74:48Juz 29 · p. 577

فَمَا تَنْفَعُهُمْ شَفَاعَةُ الشَّافِعِينَ48

Kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pamamagitan ng mga tagapamagitan.
74:49Juz 29 · p. 577

فَمَا لَهُمْ عَنِ التَّذْكِرَةِ مُعْرِضِينَ49

Kaya ano ang mayroon sa kanila na sa pagpapaalaala ay mga tagaayaw?
74:50Juz 29 · p. 577

كَأَنَّهُمْ حُمُرٌ مُسْتَنْفِرَةٌ50

Para bang sila ay mga asnong ligaw na naiilang,
74:51Juz 29 · p. 577

فَرَّتْ مِنْ قَسْوَرَةٍ51

na tumakas mula sa isang leyon.
74:52Juz 29 · p. 577

بَلْ يُرِيدُ كُلُّ امْرِئٍ مِنْهُمْ أَنْ يُؤْتَىٰ صُحُفًا مُنَشَّرَةً52

Bagkus nagnais ang bawat tao kabilang sa kanila na bigyan ng mga pahinang iniladlad.
74:53Juz 29 · p. 577

كَلَّا ۖ بَلْ لَا يَخَافُونَ الْآخِرَةَ53

Aba’y hindi! Bagkus hindi sila nangangamba sa Kabilang-buhay.
74:54Juz 29 · p. 577

كَلَّا إِنَّهُ تَذْكِرَةٌ54

Aba’y hindi! Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay isang pagpapaalaala.
74:55Juz 29 · p. 577

فَمَنْ شَاءَ ذَكَرَهُ55

Kaya ang sinumang lumuob ay mag-alaala siya nito.
74:56Juz 29 · p. 577

وَمَا يَذْكُرُونَ إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ ۚ هُوَ أَهْلُ التَّقْوَىٰ وَأَهْلُ الْمَغْفِرَةِ56

At hindi sila mag-aalaala maliban na loobin ni Allāh. Siya ay ang karapat-dapat sa pangingilag sa pagkakasala at ang karapat-dapat sa pagpapatawad.

I-play mula sa simula ng surah