Az-Zalzalah

سورة الزلزلة

Surah 99 · Madani · 8 mga talata

99:1Juz 30 · p. 599

إِذَا زُلْزِلَتِ الْأَرْضُ زِلْزَالَهَا1

Kapag yayanigin ang lupa sa pagyanig nito,
99:2Juz 30 · p. 599

وَأَخْرَجَتِ الْأَرْضُ أَثْقَالَهَا2

at magpapalabas ang lupa ng mga pabigat nito,
99:3Juz 30 · p. 599

وَقَالَ الْإِنْسَانُ مَا لَهَا3

at magsasabi ang tao: "Ano ang mayroon dito?" -
99:4Juz 30 · p. 599

يَوْمَئِذٍ تُحَدِّثُ أَخْبَارَهَا4

sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito
99:5Juz 30 · p. 599

بِأَنَّ رَبَّكَ أَوْحَىٰ لَهَا5

dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.
99:6Juz 30 · p. 599

يَوْمَئِذٍ يَصْدُرُ النَّاسُ أَشْتَاتًا لِيُرَوْا أَعْمَالَهُمْ6

Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila.
99:7Juz 30 · p. 599

فَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرًا يَرَهُ7

Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,
99:8Juz 30 · p. 599

وَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ شَرًّا يَرَهُ8

at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.

I-play mula sa simula ng surah