Al-Masad

سورة المسد

Surah 111 · Makki · 5 mga talata

111:1Juz 30 · p. 603

تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ1

Napahamak ang dalawang kamay ni Abū Lahab at napahamak siya!
111:2Juz 30 · p. 603

مَا أَغْنَىٰ عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ2

Hindi nagpakinabang para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.
111:3Juz 30 · p. 603

سَيَصْلَىٰ نَارًا ذَاتَ لَهَبٍ3

Papasok siya sa isang Apoy na may lagablab,
111:4Juz 30 · p. 603

وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ4

at [gayon din] ang maybahay niya, ang tagapasan ng kahoy na panggatong.
111:5Juz 30 · p. 603

فِي جِيدِهَا حَبْلٌ مِنْ مَسَدٍ5

Sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.

I-play mula sa simula ng surah