At-Takathur

سورة التكاثر

Surah 102 · Madani · 8 mga talata

102:1Juz 30 · p. 600

أَلْهَاكُمُ التَّكَاثُرُ1

Nagpalibang sa inyo ang pagpaparamihan
102:2Juz 30 · p. 600

حَتَّىٰ زُرْتُمُ الْمَقَابِرَ2

hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.
102:3Juz 30 · p. 600

كَلَّا سَوْفَ تَعْلَمُونَ3

Aba’y hindi! Malalaman ninyo.
102:4Juz 30 · p. 600

ثُمَّ كَلَّا سَوْفَ تَعْلَمُونَ4

Pagkatapos, aba’y hindi! Malalaman ninyo.
102:5Juz 30 · p. 600

كَلَّا لَوْ تَعْلَمُونَ عِلْمَ الْيَقِينِ5

Aba’y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo ayon sa kaalaman ng katiyakan,
102:6Juz 30 · p. 600

لَتَرَوُنَّ الْجَحِيمَ6

talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno.
102:7Juz 30 · p. 600

ثُمَّ لَتَرَوُنَّهَا عَيْنَ الْيَقِينِ7

Pagkatapos ay talagang makikita nga ninyo iyon ayon sa mata ng katiyakan.
102:8Juz 30 · p. 600

ثُمَّ لَتُسْأَلُنَّ يَوْمَئِذٍ عَنِ النَّعِيمِ8

Pagkatapos ay talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.

I-play mula sa simula ng surah