Al-Qiyamah

سورة القيامة

Surah 75 · Makki · 40 mga talata

75:1Juz 29 · p. 577

لَا أُقْسِمُ بِيَوْمِ الْقِيَامَةِ1

Talagang sumusumpa Ako sa Araw ng Pagbangon.
75:2Juz 29 · p. 577

وَلَا أُقْسِمُ بِالنَّفْسِ اللَّوَّامَةِ2

Talagang sumusumpa Ako sa mapanising kaluluwa.
75:3Juz 29 · p. 577

أَيَحْسَبُ الْإِنْسَانُ أَلَّنْ نَجْمَعَ عِظَامَهُ3

Nag-aakala ba ang tao na hindi Kami kakalap sa mga buto niya?
75:4Juz 29 · p. 577

بَلَىٰ قَادِرِينَ عَلَىٰ أَنْ نُسَوِّيَ بَنَانَهُ4

Oo; nakakakaya na bumuo Kami sa mga dulo ng daliri niya.
75:5Juz 29 · p. 577

بَلْ يُرِيدُ الْإِنْسَانُ لِيَفْجُرَ أَمَامَهُ5

Bagkus nagnanais ang tao para magmasamang-loob sa harapan niya.
75:6Juz 29 · p. 577

يَسْأَلُ أَيَّانَ يَوْمُ الْقِيَامَةِ6

Nagtatanong siya: "Kailan ang Araw ng Pagbangon?"
75:7Juz 29 · p. 577

فَإِذَا بَرِقَ الْبَصَرُ7

Kaya kapag nagitla ang paningin,
75:8Juz 29 · p. 577

وَخَسَفَ الْقَمَرُ8

at nagdilim ang buwan,
75:9Juz 29 · p. 577

وَجُمِعَ الشَّمْسُ وَالْقَمَرُ9

at ipinagsama ang araw at ang buwan;
75:10Juz 29 · p. 577

يَقُولُ الْإِنْسَانُ يَوْمَئِذٍ أَيْنَ الْمَفَرُّ10

magsasabi ang tao sa Araw na iyon: "Saan ang matatakasan?"
75:11Juz 29 · p. 577

كَلَّا لَا وَزَرَ11

Aba’y hindi! Wala nang kublihan.
75:12Juz 29 · p. 577

إِلَىٰ رَبِّكَ يَوْمَئِذٍ الْمُسْتَقَرُّ12

Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pinagtitigilan.
75:13Juz 29 · p. 577

يُنَبَّأُ الْإِنْسَانُ يَوْمَئِذٍ بِمَا قَدَّمَ وَأَخَّرَ13

Babalitaan ang tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya at ipinahuli niya.
75:14Juz 29 · p. 577

بَلِ الْإِنْسَانُ عَلَىٰ نَفْسِهِ بَصِيرَةٌ14

Bagkus ang tao laban sa sarili niya ay isang patunay.
75:15Juz 29 · p. 577

وَلَوْ أَلْقَىٰ مَعَاذِيرَهُ15

At kahit pa man naglahad siya ng mga dahi-dahilan niya.
75:16Juz 29 · p. 577

لَا تُحَرِّكْ بِهِ لِسَانَكَ لِتَعْجَلَ بِهِ16

Huwag kang magpagalaw ng dila mo kasabay nito upang magmadali ka nito.
75:17Juz 29 · p. 577

إِنَّ عَلَيْنَا جَمْعَهُ وَقُرْآنَهُ17

Tunay na nasa Amin ang pagtitipon nito at ang pagpapabigkas nito.
75:18Juz 29 · p. 577

فَإِذَا قَرَأْنَاهُ فَاتَّبِعْ قُرْآنَهُ18

Kaya kapag bumigkas Kami nito ay sumunod ka sa pagpapabigkas nito.
75:19Juz 29 · p. 577

ثُمَّ إِنَّ عَلَيْنَا بَيَانَهُ19

Pagkatapos ay tunay na nasa Amin ang paglilinaw nito.
75:20Juz 29 · p. 578

كَلَّا بَلْ تُحِبُّونَ الْعَاجِلَةَ20

Aba’y hindi! Bagkus iniibig ninyo ang Panandaliang-buhay,
75:21Juz 29 · p. 578

وَتَذَرُونَ الْآخِرَةَ21

at hinahayaan ninyo ang Kabilang-buhay.
75:22Juz 29 · p. 578

وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ نَاضِرَةٌ22

May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning,
75:23Juz 29 · p. 578

إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةٌ23

tungo sa Panginoon nila ay nakatingin.
75:24Juz 29 · p. 578

وَوُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ بَاسِرَةٌ24

At may mga mukha, sa Araw na iyon, na nakangiwi.
75:25Juz 29 · p. 578

تَظُنُّ أَنْ يُفْعَلَ بِهَا فَاقِرَةٌ25

Nakatitiyak sila na gagawa sa kanila ng isang makababali ng likod.
75:26Juz 29 · p. 578

كَلَّا إِذَا بَلَغَتِ التَّرَاقِيَ26

Aba’y hindi! Bagkus kapag umabot [ang kaluluwang] ito sa balagat,
75:27Juz 29 · p. 578

وَقِيلَ مَنْ ۜ رَاقٍ27

sasabihin: "Sino ang lulunas?"
75:28Juz 29 · p. 578

وَظَنَّ أَنَّهُ الْفِرَاقُ28

At nakatiyak siya na ito ay ang pakikipaghiwalay.
75:29Juz 29 · p. 578

وَالْتَفَّتِ السَّاقُ بِالسَّاقِ29

At pupulupot ang binti sa binti.
75:30Juz 29 · p. 578

إِلَىٰ رَبِّكَ يَوْمَئِذٍ الْمَسَاقُ30

Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pag-aakayan.
75:31Juz 29 · p. 578

فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ31

Ngunit hindi siya nagpatotoo at hindi siya nagdasal,
75:32Juz 29 · p. 578

وَلَٰكِنْ كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ32

bagkus nagpasinungaling siya at tumalikod siya.
75:33Juz 29 · p. 578

ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰ أَهْلِهِ يَتَمَطَّىٰ33

Pagkatapos ay pumunta siya sa mag-anak niya, na nagmamagilas sa paglakad.
75:34Juz 29 · p. 578

أَوْلَىٰ لَكَ فَأَوْلَىٰ34

Kasawian sa iyo at saka kasawian sa iyo!
75:35Juz 29 · p. 578

ثُمَّ أَوْلَىٰ لَكَ فَأَوْلَىٰ35

Pagkatapos ay kasawian sa iyo at saka kasawian sa iyo!
75:36Juz 29 · p. 578

أَيَحْسَبُ الْإِنْسَانُ أَنْ يُتْرَكَ سُدًى36

Nag-aakala ba ang tao na iiwan siya na nakaligtaan?
75:37Juz 29 · p. 578

أَلَمْ يَكُ نُطْفَةً مِنْ مَنِيٍّ يُمْنَىٰ37

Hindi ba siya noon ay isang patak mula sa punlay na ibinuhos?
75:38Juz 29 · p. 578

ثُمَّ كَانَ عَلَقَةً فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ38

Pagkatapos siya ay naging isang malalinta, lumikha [si Allāh] at saka bumuo [sa kanya].
75:39Juz 29 · p. 578

فَجَعَلَ مِنْهُ الزَّوْجَيْنِ الذَّكَرَ وَالْأُنْثَىٰ39

Saka gumawa Siya mula sa kanya ng magkapares: ang lalaki at ang babae.
75:40Juz 29 · p. 578

أَلَيْسَ ذَٰلِكَ بِقَادِرٍ عَلَىٰ أَنْ يُحْيِيَ الْمَوْتَىٰ40

Hindi ba Iyon ay Nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay?

I-play mula sa simula ng surah