Al-Fatihah

سورة الفاتحة

Surah 1 · Makki · 7 mga talata

1:1 · Al-FatihahJuz 1 · p. 1

بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ1

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
1:2Juz 1 · p. 1

الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ2

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,
1:3Juz 1 · p. 1

الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ3

ang Napakamaawain, ang Maawain,
1:4Juz 1 · p. 1

مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ4

Ang May-ari ng Araw ng Paggantimpala.
1:5Juz 1 · p. 1

إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ5

Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
1:6Juz 1 · p. 1

اهْدِنَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ6

Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:
1:7Juz 1 · p. 1

صِرَاطَ الَّذِينَ أَنْعَمْتَ عَلَيْهِمْ غَيْرِ الْمَغْضُوبِ عَلَيْهِمْ وَلَا الضَّالِّينَ7

ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.

I-play mula sa simula ng surah