وَيْلٌ لِكُلِّ هُمَزَةٍ لُمَزَةٍ1
Kapighatian sa bawat mapanlibak na mapanirang-puri,
الَّذِي جَمَعَ مَالًا وَعَدَّدَهُ2
na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,
يَحْسَبُ أَنَّ مَالَهُ أَخْلَدَهُ3
na nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya.
كَلَّا ۖ لَيُنْبَذَنَّ فِي الْحُطَمَةِ4
Aba’y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak.
وَمَا أَدْرَاكَ مَا الْحُطَمَةُ5
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?
نَارُ اللَّهِ الْمُوقَدَةُ6
[Ito ay] ang Apoy ni Allāh na ginagatungan,
الَّتِي تَطَّلِعُ عَلَى الْأَفْئِدَةِ7
na nanunuot sa mga puso.
إِنَّهَا عَلَيْهِمْ مُؤْصَدَةٌ8
Tunay na ito sa kanila ay itataklob
فِي عَمَدٍ مُمَدَّدَةٍ9
sa mga haliging pinahaba.