Al-Bayyinah

سورة البينة

Surah 98 · Madani · 8 mga talata

98:1Juz 30 · p. 598

لَمْ يَكُنِ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَالْمُشْرِكِينَ مُنْفَكِّينَ حَتَّىٰ تَأْتِيَهُمُ الْبَيِّنَةُ1

Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagatambal ay hindi naging mga kumakalas hanggang sa makarating sa kanila ang malinaw na patunay:
98:2Juz 30 · p. 598

رَسُولٌ مِنَ اللَّهِ يَتْلُو صُحُفًا مُطَهَّرَةً2

isang Sugo mula kay Allāh na bumibigkas ng mga pahinang dinalisay,
98:3Juz 30 · p. 598

فِيهَا كُتُبٌ قَيِّمَةٌ3

na sa mga ito ay may mga nakasulat na matuwid.
98:4Juz 30 · p. 598

وَمَا تَفَرَّقَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَةُ4

At hindi nagkahati-hati ang mga binigyan ng kasulatan kundi noong matapos na dumating sa kanila ang malinaw na patunay.
98:5Juz 30 · p. 598

وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ ۚ وَذَٰلِكَ دِينُ الْقَيِّمَةِ5

At hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makakatotohanan, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.
98:6Juz 30 · p. 599

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَالْمُشْرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ أُولَٰئِكَ هُمْ شَرُّ الْبَرِيَّةِ6

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagatambal ay nasa Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa sangkinapal.
98:7Juz 30 · p. 599

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ أُولَٰئِكَ هُمْ خَيْرُ الْبَرِيَّةِ7

Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang pinakamabuti sa sangkinapal.
98:8Juz 30 · p. 599

جَزَاؤُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَشِيَ رَبَّهُ8

Ang ganti sa kanila sa ganang Panginoon nila ay mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa Panginoon niya.

I-play mula sa simula ng surah

Abdullah Basfar - Al-Bayyinah · Tlawati