An-Nas

سورة الناس

Surah 114 · Makki · 6 mga talata

114:1 · An-NasJuz 30 · p. 604

قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ النَّاسِ1

Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,
114:2Juz 30 · p. 604

مَلِكِ النَّاسِ2

na Hari ng mga tao,
114:3Juz 30 · p. 604

إِلَٰهِ النَّاسِ3

na Diyos ng mga tao,
114:4Juz 30 · p. 604

مِنْ شَرِّ الْوَسْوَاسِ الْخَنَّاسِ4

laban sa kasamaan ng palabulong na palaurong,
114:5Juz 30 · p. 604

الَّذِي يُوَسْوِسُ فِي صُدُورِ النَّاسِ5

na bumubulong sa mga dibdib ng mga tao,
114:6Juz 30 · p. 604

مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ6

kabilang sa mga jinn at mga tao."

I-play mula sa simula ng surah

Abdullah Basfar - An-Nas · Tlawati