Al-Qari'ah

سورة القارعة

Surah 101 · Makki · 11 mga talata

101:1Juz 30 · p. 600

الْقَارِعَةُ1

Ang Tagakalampag.
101:2Juz 30 · p. 600

مَا الْقَارِعَةُ2

Ano ang Tagakalampag?
101:3Juz 30 · p. 600

وَمَا أَدْرَاكَ مَا الْقَارِعَةُ3

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Tagakalampag?
101:4Juz 30 · p. 600

يَوْمَ يَكُونُ النَّاسُ كَالْفَرَاشِ الْمَبْثُوثِ4

Sa Araw na ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong pinakalat,
101:5Juz 30 · p. 600

وَتَكُونُ الْجِبَالُ كَالْعِهْنِ الْمَنْفُوشِ5

at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang nahimulmol.
101:6Juz 30 · p. 600

فَأَمَّا مَنْ ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ6

Kaya tungkol naman sa sinumang bumigat [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,
101:7Juz 30 · p. 600

فَهُوَ فِي عِيشَةٍ رَاضِيَةٍ7

siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod.
101:8Juz 30 · p. 600

وَأَمَّا مَنْ خَفَّتْ مَوَازِينُهُ8

At tungkol naman sa sinumang gumaan [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,
101:9Juz 30 · p. 600

فَأُمُّهُ هَاوِيَةٌ9

ang kanlungan niya ay kailaliman.
101:10Juz 30 · p. 600

وَمَا أَدْرَاكَ مَا هِيَهْ10

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano iyon?
101:11Juz 30 · p. 600

نَارٌ حَامِيَةٌ11

[Iyon ay] isang Apoy na napakainit.

I-play mula sa simula ng surah

Abdullah Al-Mattrod - Al-Qari'ah · Tlawati